Ayon kay Guia, ang national canvassing kasi ang magiging official na resulta ng halalan.
Matapos din ang aberya sa transparency server kagabi, tiniyak ng Comelec ang integridad ng national canvassing.
Nanindigan naman si Commissioner Marlon Casquejo na ang naging problema sa transparency server ay hindi makaka apekto sa resulta ng halalan.
Aniya, sabay sabay ang naging transmittal ng election returns nang magsara ang polling precincts ng alas-sais ng gabi kahapon kaya nagsimulang bumagal ang proseso o transmittal.
Samantala, kinumpirma ni Comelec Director for Education and Information Atty. Frances Arabe na ang Triplex ang supplier nila ng marking pens habang ang S1 Technologies naman ang SD Cards.
Aniya, ang S1 ay sister Company ng Silicon Valley.