HINIMOK | COMELEC, nanawagan sa publiko na isumbong sa kanila ang mga epal na pulitiko ngayong undas

40

Manila, Philippines – Hinimok naman ng COMELEC ang publiko na isumbong sa kanila ang anumang aktibidad na nagpapakita ng premature campaigning ngayong todos los santos.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, mas maganda kung may pictures o video para may patunay ng paglabag at magamit ding ebidensya laban sa mga pasaway na politiko.

Naglagay pa ang poll official ng hashtag na #ayokonito, #higherstandard at #nle2019 para madaling mahanap ang mga ipinadadalang sumbong hinggil sa mga politikong nangangampanya nang maaga lalo na sa mga sementeryo.

Facebook Comments