HINIMOK | DENR, nanawagan ng pinalakas na Coral Triangle protection sa rehiyon ng Asya

Nanawagan si Environment Secretary Roy Cimatu ng mas pinalakas na regional cooperation para magkaroon ng maayos na marine at coastal resources.

Sa pagtatapos ng 2-taong chairmanship ng Pilipinas sa Coral Triangle, hinimok ng kalihim ang mga member state na higitan pa ang mga pagsisikap upang matugunan ang mga mga isyu sa food security, banta ng climate change at pagkawasak ng marine biodiversity sa rehiyon.

Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa anim na bansang ito ang Indonesia, Malaysia, Papua New Guinea, Solomon Islands at Timor-Leste na kilala rin sa tawag na Coral Triangle 6 o CT6.


Ayon kay Cimatu, hindi naging madali sa Pilipinas ang pagiging chairman sa loob ng dalawang taon dahil na rin sa mga naranasang pagsubok ng organisasyon.

Aniya, nakaranas ang rehiyon ng natural disasters na pinagbuwisan ng buhay ng mamamayan, pagbagsak ng ekonomiya ng mga bansang kasapi ng CT6 na siyang naging dahilan upang mahirapan ang organisasyon na makausad.

Facebook Comments