Manila, Philippines – Umaapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa libo-libong undocumented Filipinos sa Malaysia na mag-avail ng voluntary repatriation na alok ng Malaysian Government bago ito matapos sa darating na August 31.
Sa datos ng DFA nasa tinatayang 400,000 Filipinos ang walang
legal immigration status sa Malaysia.
Ayon kay Philippine Ambassador to Kuala Lumpur Charles Jose magiging mahigpit ang crackdown ng Malaysian Government laban sa mga undocumented foreign nationals kapag natapos na ang voluntary repatriation ngayong buwan.
Kasunod nito tiniyak ni Jose na tutulungan ng embahada ng Pilipinas sa Jakarta ang mga Pilipino para makabalik ng bansa.
Kagandahan aniya nito, ang mga undocumented migrants na mag-a-avail ng voluntary repatriation ay hindi makukulong at hindi rin magmumulta ng sandamakmak na penalties.
Simula January 2016 hanggang June 2018 nakapag-asiste na ang Philippine Embassy ng nasa 50,000 Filipinos kung saan napagkalooban sila ng travel documents binayaran din ang kanilang exit fees at nabigyan ng one-way airfare pabalik ng Pilipinas.