Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng LGUs na tiyakin na 100 % na maipapatupad ang pag -streamline sa proseso sa pag iisyu ng business licenses, clearances at iba pang permits.
Nais ni DILG OIC-Secretary Eduardo Año na maging proactive ang mga LGUs sa pagsunod sa mga probisyon ng naisabatas na ease of doing business act na magoobliga sa mga LGUs na gawing business friendly at simple ang proseso ng pagnenegosyo.
Naglabas na rin ng Joint Memorandum Circular ang DILG, DTI at Department of Information and Communication Technology (DICT), na naglalaman ng guidelines kaugnay sa pag streamline ng business permits at licensing system.
Base sa records ng Bureau of Local Government Development ng DILG 59.37% lamang o 900 ng mga LGUs ang sumunod sa revised standards sa pag proseso ng business permits at licenses, na isa sa salient parts ng RA 11032 .