HINIMOK | DOH, nanawagan sa publiko na tulungan ang mga taong nakararanas ng depresyon

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na tulungan ang mga taong nakararanas ng depresyon.

Ito ay kasunod ng high-profile suicides ng dalawang international personalities.

Ayon kay DOH Undersecretary Herminigildo Valle, hindi dapat tini-trivialize ang depression para maipa-abot ang tulong sa mga nakararanas nito.


Aniya, 20% ng mga tawag na natatanggap nila sa DOH suicide hopeline ay nangangailangan ng tulong para sa depresyon.

Karamihang edad sa mga tumatawag ay mula 13 hanggang 29.

Ang mga senyales ng suicidal behavior ay ang mga nawawalan ng pag-asa, naghahayag ng hindi inaasahang biro tungkol sa suicide at sinasaktan ang sarili.

Mahalaga na mabigyang atensyon at huwag husgahan kapag nakikipag-usap sa mga ito para maiwasan ang tangka nilang pagpapakamatay.

Facebook Comments