HINIMOK | DOST hinihikayat ang publiko na aralin ang biotechnology

Manila, Philippines – Iniimbitahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang publiko na matuto patungkol sa biotechnology at kung paano ito makatutulong sa pagtugon sa ilang mga hamon sa food industry.

Kasunod nito hinihikayat ng DOST ang publiko na bisitahin ang mga exhibit sa World Trade Center sa Pasay City mula kahapon hanggang Nobyembre 17 bilang bahagi ng 14th National Biotechnology Week na may temang “Pambansang Hamon, Pambansang Solusyon.”

Ayon sa DOST, tatlong pangunahing hamon na maaaring matugunan sa pamamagitan ng biotechnology ito ay ang food security, industry competitiveness and productivity at adaptation o pagbagay sa climate change.


Ang Biotechnology ay malaking tulong din sa punto ng pagbibigay ng breeding technologies, gene markings at pagkakaroon ng mas tamang pamamaraan sa pagtatanim.

Samantala bukod sa exhibits at fora, maaari ding bumili ng DOST-assisted products sa limang araw na aktibidad.

Facebook Comments