HINIMOK | DSWD, nanawagan na iwasang magbigay ng limos

Muling nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na iwasang magbigay ng limos sa mga batang lansangan o sa mga pamilyang nakatira sa mga kalsada.

Ayon kay DSWD spokesperson, Assistant Secretary Glenda Relova – mas lalo lang makukunsinte ang kanilang paniniwala na ang paghingi ng limos ay magandang paraan para kumita.

Napansin din ng DSWD na madalas na rin ang pagluwas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ng mga kababayan nating katutubo o indigenous people partikular ng mga Aeta at Sama-Bajaus para humingi ng pamasko.


Batid naman ng ahensya na panahon ito ng pagbibigayan subalit ang pagbibigay ng limos ay hindi mainam na solusyon.

Nanawagan ang DSWD sa publiko na tulungan sila sa kanilang #helpthehomelessph advocacy campaign kung saan isasagawa ang mga gift-giving events at small reach out activities.

Sa ilalim din ng programa, magkakaroon din ng story-telling, feeding programs at medical missions.

Facebook Comments