HINIMOK | Iba’t ibang relihiyon sa bansa, hinikayat na manindigan laban sa pagtawag ng Pangulo na stupido ang Diyos

Manila, Philippines – Hinimok ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang iba’t ibang relihiyon sa bansa na manindigan laban sa panghahamak ni Pangulong Duterte sa Diyos.

Ito ay dahil na rin sa madalas na pangungutya ni Duterte sa Simbahang Katolika na sinundan pa ng pahayag nito na “Stupid” ang sinasambang Diyos.

Giit ni Baguilat, bilang depensa sa Kristiyanong pananampalataya ay dapat na manindigan ang lahat ng mga relihiyon sa bansa dahil iisa lang naman ang Panginoon na sinasamba.


Hindi naman minamasama ng kongresista ang paghingi ng dasal ng ibang mga relihiyon para sa kaligtasan ng Pangulo dahil Kristiyanong gawain ang agad na pagpapatawad.

Pero, sinabi nito na ang paniniwala na hindi dapat pumatay at huwag hamakin ang pangalan ng Diyos ay isang universal belief na hindi lang naman paniniwala ng mga Katoliko.

Hinamon din ni Baguilat ang mga religious leaders na lantad na nagpapakita ng kanilang debosyon sa Diyos na magsalita at huwag manahimik sa mga panghahamak ng Pangulo.

Facebook Comments