Manila, Philippines – Hinimok ngayon ni Akbayan Senator Risa Hontiveros at mga lider ng Simbahang Katoliko ang publiko na magkaisa na upang manindigan sa pang-aabuso umano ni Pangulong Duterte sa kanyang kapangyarihan matapos na bawiin nito ang amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV.
Inaasahan mamaya na magsasagawa ng Presscon sa Maria Orosa Street Ermita Maynila upang hikayatin ang taongbayan na magsalita na at kondenahin ang pagbabalewala umano ni Pangulong Duterte sa umiiral na batas at pagtaas ng inflation rate sa bansa na nagdulot ng nagsisipagtaasang bilihin sa merkado.
Pangungunahan nina Catholic Church leader Caloocan Bishop-Emeritus Deogracias Yniguez, dating Senador Rene Saguisag at Senadora Risa Hontiveros ang naturang pagtitipon upang ipahayag ang kanilang pagkondena sa naging hakbang ng Pangulo.
Magsasagawa umano sila ng legal na mga hakbangin upang mabigyan ng hustisya ang ginawa ng Pangulo kay Trillanes na para sa mga oposisyon senators ay lantarang pagyurak sa karapatang pantao at sa ating saligang batas ang ginawang pagbawi ng Pangulo sa amnesty ni Trillanes na ibinigay noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.