HINIMOK | Kongresista, nanawagan ng pagsasagawa ng joint patrol ng international community sa WPS

Manila, Philippines – Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang mga kalapit na bansa ng Pilipinas na magsagwa ng joint patrol sa West Philippine Sea laban sa unti-unting pananakop na ginagawa ng China.

Partikular na hinihimok ni Zarate ang mga bansang Vietnam, Malaysia at Brunei na nakakaranas din ng pang-bu-bully at inaagawan din ng teritoryo ng China.

Ang panawagan para sa international cooperation ay para mapigil ang masamang balak ng China na angkinin ang mga teritoryo ng mga bansang nakakasakop din sa South China Sea.


Hiniling din ng mambabatas na himukin ng gobyerno ang intrnational community na i-protesta ang pagiging agresibo ng China.

Hinimok din ni Zarate ang regular na pagdedeploy ng coast guard sa West Philippine Sea at hinikayat din ang mga mangingisda na i-report agad ang anumang Chinese vessels na makikita sa ating teritoryo.

Facebook Comments