HINIMOK | Labor group na SENTRO hinamon si Finance Secretary Pernia na mamuhay sa 10,000 pesos

Manila, Philippines – Hinamon ng labor group na SENTRO si Finance Secretary Ernesto Pernia at ang mga opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ipasubok sa kani-kanilang pamilya na mamuhay sa 10,000 na budget sa isang buwan.

Ayon kay SENTRO Secretary General Josua Mata, dito mapapatunayan kung may katotohanan ang pag-aaral ng NEDA

Nauna na ring tinawag na insulto ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) panukatan sa daily cost of living isang pamilya na mayroong apat na miyembro.


Hinamon ni ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay ang NEDA na mamalengke sa mga mahihirap na lugar para mailapat sa reyalidad ang kanilang ipinapalabas na mga datos.

Facebook Comments