Hinimok ni Dept. Agrarian Reform Acting Secretary John Castriciones ang mga na-promote at hinirang na mga empleyado ng ahensiya na ibuhos ang lahat ng kanilang makakaya para tulungan ang mga Agrarian Reform Beneficiaries.
Apela ito ni Castriciones kasunod ng panunumpa ng 494 mga empleyado mula sa Central Office at ibang Sangay sa bansa.
Ginawa ito kasabay ng pagtatapos ng limang taon na Rationalization Plan na una nang nagdulot ng kalituhan at kawalan ng katiyakan sa mga empleyado.
Paliwanag ni Castriciones , hindi raw sila dapat matakot na i-sakripisyo ang kanilang tungkulin kahit na malagay sa panganib ang kanilang buhay para magbunga lang ang kanilang pagsisikap na tulungan ang mga benepisyaryo.
Pero kinontra naman ito ng Dar Employees Union at ginawa lang daw ito ni Castrisciones para makakuha ng suporta bago ang pagsalang niya sa Commission on Appointments sa Senado sa Martes.