HINIMOK | Mga investors hinihikayat ng DOE na mamuhunan sa enerhiya

Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang mga investors na mamuhunan sa mga proyektong enerhiya sa Cagayan Valley Region.

Sinabi ni DOE Secretary Alfonso Cusi, ang energy security ay pangunahing driver o nagpapatakbo ng ating ekonomiya, kailangan ang tulong ng lahat para sa ating energy security.

Umaasa ang kalihim na ang ginanap na energy investment Briefing ay magbibigay-daan sa Cagayan Valley na humikayat ng mas maraming pamumuhunan sa enerhiya sa mga taong darating.


Ang pagpupulong ay nilahukan ng may 80 participants mula sa ibat ibang Local Government Units (LGUs), local distribution utilities/electric cooperatives at private sector.

Kabilang sa mga paksa na tinalakay ang kasalukuyang energy activities and projects sa rehiyon; mga benepisyo para sa mga komunidad, pati na rin ang mga regulasyon na kinakailangan at proseso ng rehistrasyon ng mga proyektong enerhiya.

Ang forum ay alinsunod sa mga prinsipyo ng E-Power Mo movement ng DOE, upang maitaguyod ang kahalagahan ng mga pamumuhunan sa enerhiya, upang gawin globally competitive ang Pilipinas.

Facebook Comments