Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang mga investors na mamuhunan sa mga proyektong enerhiya sa Mindanao.
Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, tagumpay ang ginanap na Mindanao Energy Investment Forum na magbibigay-daan sa rehiyon na humikayat ng mas maraming mamumuhunan sa enerhiya sa mga taon na darating.
Binigyang diin ni Cusi ang kahalagahan ng pagdadala ng mas maraming mamumuhunan sa Mindanao, dahil mangangailangan ang rehiyon ng karagdagang capacity requirement na 10,200 megawatts hanggang 2040.
Tinalakay din sa kumperensya ang mga bagong patakaran sa pamumuhunan, tulad ng Executive Order 30 at ang Ease of Doing Business Law, na nagpapadali sa regulatory procedures upang masiguro ang mas mabilis na pagsasakatuparan ng mga energy project.
Ang pagpupulong ay nilahukan ng mga participants mula sa ibat-ibang Local Government Units (LGUs), local distribution utilities/electric cooperatives at private sector.
Ang forum ay alinsunod sa mga prinsipyo ng E-Power Mo movement ng DOE, upang maitaguyod ang kahalagahan ng mga pamumuhunan sa enerhiya, upang gawin globally competitive ang Pilipinas.