HINIMOK | Mga kabataan pinayuhan ng DOE na sumabak sa larangan ng energy sector

Manila, Philippines – Hinihikayat ng Department of Energy (DOE) ang maraming kabataan partikular ang kababaihan na pumasok sa larangan ng agham, teknolohiya at engineering, bilang bahagi ng estratehiya nito para sa energy security ng bansa.

Naniniwala si Secretary Alfonso Cusi ng Department of Energy (DOE) na ang mga kababaihan ay maaaring magtagumpay sa mga karera sa sektor ng enerhiya.

Una rito, 180 mag-aaral mula sa Lourdes National High School sa Isla ng Panglao, Bohol ang nakibahagi sa ENEReady campaign ng Department of Energy-Consumer Welfare and Promotion Office.


Sa event, ang mga mag-aaral ay binigyan ng mga pananaw sa technical career opportunities sa energy industry sa pamamagitan ng pag-ugnay sa mga ito sa iba’t-ibang function ng ahensya.

Ang kampanya ay naglalayong hikayatin ang mga kabataan ng bansa na i-pursue o kumuha ng energy related careers sa pamamagitan ng pagpapasigla ng kanilang mga interes at hilig.

Sinabi ng DOE-Consumer Welfare and Promotion Office na nanguna sa ENEReady Program, mula ng nagsimula ito noong 2016, ang programa ay nagbigay ng inspirasyon sa higit sa 2,500 mag-aaral na kumuha ng mga kurso sa engineering at agham.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments