HINIMOK | Mga OFWs, hinikayat ni Sen. Villar na palaguin ang perang kanilang pinaghirapan

Manila, Philippines – Pinayunan ni Senator Cynthia Villar ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs na palaguin ang perang kanilang pinaghirapang kitain para sa ikagaganda ng buhay ng kanilang mga pamilya.

Ito ang nakikitang solusyon ni Senator Villar sa kabiguan ng mga OFWs na maiangat ang kanilang buhay dahil nauubos lang perang kinita nila sa pagbabanat ng buto sa ibayong dagat.

Ito ang layunin ng ilulunsad na 8th OFWs and Family Summit sa November 21 ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance sa World Trade Center, Pasay City.


Sa nabanggit na summit ay tuturuan ang mga OFWs ng tamang pagpapalago ng perang pinaghirapan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Paliwanag ni Senator Villar ang kakulangan sa financial literacy ang isang dahilan kaya may mga pamilya, kabilang ang mga OFWs, ang nananatiling baon sa kahirapan.

Kaugnay nito ay hinikayat din ni Villar ang government agencies at private organizations na gawing misyon ang pagpapaigting ng financial literacy sa mamamayan.

Facebook Comments