HINIMOK | Ombudsman, hinikayat na huwag sundin ang dismissal order ng Malacañang laban kay Arthur Carandang

Manila, Philippines – Naniniwala si ACT Teachers Representative Antonio Tinio na resbak ng Malacañang ang inisyung dismissal order laban kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang matapos na imbestigahan noon ng Office of the Ombudsman ang bank deposit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hamon ng Makabayan sa Ombudsman, huwag sundin ang dismissal order ng palasyo kay Carandang.

Iginiit naman ni Anakpawis Representative Ariel Casilao na maituturing itong test case kay Ombudsman Martires kung paninindigan nito ang independence ng Ombudsman o kung ilalaglag ang sariling tauhan.


Sinabi pa ni Casilao na mahihirapan din si Carandang kung aakyat ito sa Korte Suprema dahil ang SC aniya ay bahagi na ng makinarya ng Duterte Administration.

Ayon naman kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, walang basehan ang dismissal order laban kay Carandang.

Paliwanag nito, 2014 pa nagdesisyon ang Korte Suprema na unconstitutional ang Section 8 ng RA 6770 na nagbibigay ng administrative power sa Office of the President para alisin ang Deputy Ombudsman at tanging Ombudsman lang ang may karapatan na disiplinahin ang kanyang mga tauhan.

Facebook Comments