HINIMOK | PRRD, hinikayat ang mga Katokilo na huwag nang pumunta sa simbahan

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananampalatayang Katoliko na huwag nang pumunta sa mga simbahan.

Sa halip, sinabi ng Pangulo na maaring ipahayag ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtatayo ng sariling chapel sa loob ng bahay.

Pero nilinaw naman ng Pangulo na mayroong mga pari na malapit niyang kaibigan.


Binanatan din ng Pangulo ang ilang obispo na humihingi ng sasakyan sa gobyerno.

Tinuligsa rin ng Pangulo ang ilang aral na itinuturo ng simbahan at ang pangongolekta ng bayad para sa baptismo, kasal at mga serbisyo para sa mga patay.

Matatandaang tinukoy ng Pangulo ang insidente noong 2009 kung saan nag-request ang namayapang si Butuan City Bishop Juan De Dios Pueblos kay dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang 66th birthday.

Facebook Comments