Manila, Philippines – Hinimok ng ilang mga dating militanteng Kongresista si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ng ituloy ang TRAIN 2 dahil lalo lamang maghihirap ang mga Pilipino.
Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Manila sinabi ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares na napapanahon ng ibasura na ang TRAIN Law at huwag ng ituloy ang panukalang TRAIN 2 o TRABAHO Bill dahil lalo lamang lulugmok sa kahirapan ang mga mamamayang Pilipino.
Paliwanag ni Colmenares sa halip na Red October ang pinag-uusapan na sinasabing gawa-gawa lang umano at kunwari ay mayroong intel report na isinama pa ang mga 10 university na iniuugnay sa Red October.
Giit ng dating militanteng kongresista walang maniniwala sa ipinalulutang umano ng gobyerno na Red October ang klaro o maliwanag na lehitimong isyu ng taongbayan ay ang nagsisipagtaasan na ang mga pangunahing bilihin sa merkado.