HINIMOK | PRRD, nanghikayat na iboto bilang senador si Francis Tolentino

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng barangay na pumunta sa Malacañang na iboto bilang senador sa 2019 midterm elections ang kanyang political adviser na si Francis Tolentino.

Sa ginanap na liga ng mga barangay event sa Malacañang, sinabi ng Pangulo, na mapapabuti ang mga barangay kung maihahalal bilang senador si Tolentino dahil mahusay ito magtrabaho at mabait na tao.

Aniya, soft-spoken si Tolentino at walang babae o asawa.


Maliban kay Tolentino, kabilang rin sa mga kasama sa listahan ng PDP Laban na posibleng tumakbo sa 2019 elections sina Special Assistant to the President Christopher Bong Go, Presidential Spokesperson Harry Roque at Bureau of Corrections Director General Ronald Bato Dela Rosa.

Facebook Comments