HINIMOK | Publiko, hinikayat na huwag hayaang maulit sa ilalim ng Duterte administration ang Martial Law sa buong bansa

Manila, Philippines – Hinikayat ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang taumbayan na huwag hayaang maulit ang martial law sa buong bansa noong panahon ng diktaturyang Marcos.

Nanawagan si Alejano na huwag makakalimot sa dinanas na pagpapahirap at pangaabuso sa karapatang pantao.

Nagpa-alala din si Alejano na dapat ay natuto na ang taumbayan sa mga aral ng nakalipas sa ilalim ng pamumuno noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.


Bagamat, 46 na taon na ang nakalipas matapos ang madilim na deklarasyon ng Proclamation No.1081, halos wala ring pinagkaiba ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte dahil sa pagpapatahimik sa mga kritiko , pag-atake sa media, kaliwa’t kanang extra-judicial killings at mga anti-people na polisiya ng administrasyon.

Samantala, hinimok naman ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao ang publiko na tularan ang paglaban ng mga martial law victims sa patuloy na paglaban sa oppression.

Iginiit ni Casilao na ang ipinaglaban noon ng mga martial law victims ay hindi lamang pansarili kundi paglaban para sa kalayaan ng mga Pilipino.

Facebook Comments