HINIMOK | Publiko hinikayat ng DOH na maging responsable sa pagtatapon ng mga basura sa karagatan

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging responsable sa pagtatapon ng mga basura sa karagatan upang maiwasan na makakain ng microplastic ang mga isda at iba pang pagkain dagat.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malaking epekto sa kalusugan ng tao kapag nakakain ng micro plastic ang mga isda at makain naman ng tao ang isda na posibleng magdulot ng ibat-ibang klase ng sakit.

Paliwanag ni Duque mahalaga ang pagiging responsable ng tao sa pagtatapon ng mga plastic dahil base sa pag-aaral kabilang ang Pilipinas sa limang bansa sa Asya ang pinakamaraming naiambag sa pagtatapon ng mga basura sa karagatan.


Giit ng kalihim kapag hindi nadisiplina ang tao sa pagtatapon ng mga basura pagsapit ng 2030 posibleng marami na ang makakaranas ng mga ibat-ibang klaseng sakit ang kanilang mararamdaman dulot ng pagtatapon ng plastik sa karagatan.

Facebook Comments