HINIMOK | Reporma sa polisiya ng NAIA, agad na ipinalalatag

Manila, Philippines – Hinimok ni Eastern Samar Representative Ben Evradone ang Kamara na maglatag agad ng reporma sa polisiya ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay upang hindi na maulit ang pagtigil ng operasyon at ang malalang sitwasyon sinapit ng mga naabalang pasahero matapos na sumadsad noong Huwebes ng gabi sa runway ng NAIA ang Xiamen Airlines.

Ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone, dapat na tumulong ang Kongreso sa paglalatag ng epektibong crisis management sa NAIA.


Sinabi nito na mismong siya ay personal na naranasan ang kalituhan at gulo sa paliparan ng makansela ang kanyang flight papuntang Taipei.

Nakita ng kongresista ang kakulangan ng NAIA at ng mga paliparan sa agarang pagtugon sa mga ganitong uri ng emergency.

Palpak aniya ang NAIA sa pagbibigay ng proper management at services sa mga pasahero dahil maging ang mga simpleng flight monitors para malaman kung saan ang gate assignments ay hindi gumagana dahilan kaya maraming pasahero ang nanghuhula na lamang sa status ng kanilang mga flights.

Facebook Comments