Manila, Philippines – Hinimok ng Mababang Kapulungan ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na isama na rin sa mga sakit na sakop ng health care program ang psoriasis.
Base sa House Resolution 1818, kailangang maisama sa cover ng Philhealth ang psoriasis dahil marami na sa mga mahihirap na Pilipino ang nagkakasakit nito.
Bukod pa ito sa dahilang mapababa ang kaso ng nasabing sakit sa bansa.
Nakasaad sa resolusyon na ang psoriasis ang isa sa pinakamahirap na matanggal na skin diseases sa bansa.
Sa kasalukuyan, sakop ng Philhealth ang psoriatic arthitis o ang pamamaga ng joints ng isang indibidwal pero hindi sakop ng PhilHealth ang sakit na psoriasis dahilan kaya 2% ng mga Pinoy na may sakit na ito ang hindi nakakakuha ng medical attention.
Nakasaad pa sa resolusyon na malaking porsyento ng hindi nakaka avail ng benepisyo ng Philhealth ay mula sa mga mahihirap na sektor.