HINIMOK | Sen. Villar, hinikayat ang publiko na magtanim ng gulay sa bakuran

Manila, Philippines – Hinikayat ni Committee on Agriculture and Food Chairperson Senator Cynthia Villar ang publiko at bawat komunidad na magkaroon ng tanim na gulay sa kanilang mga tahanan o bakuran.

Ayon kay Villar, malaki ang maitutulong nito sa bawat pamilya sa harap ng tumataas na presyo ng bilihn o inflation rate na pumalo na ngayon sa 6.7%.

Para kay Villar, dapat matutunan ng mga pamilya ang urban gardening o pagtatanim ng gulay at binhi sa maliliit na paso at plastic upang magkaroon ng sariling mga gulay at matipid ang kanilang kinikita na puwedeng gamitin sa ibang pangangailangan.


Dagdag pa ni Villar, bukod sa food sufficiency, ay maisusulong din ng urban gardening ang kalusugan at kaayusan sa bawat tahanan.

Kamakailan lang ay naglunsad ang Villar Sipag ng training program para sa basic urban agriculture, seed preparation, plant propagation, sustainable cropping, garden management at wastong harvesting.

Facebook Comments