HINIRANG | Dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre, nominado bilang miyembro ng SSS board

Manila, Philippines – Hinirang si dating Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II bilang board ng Social Security System (SSS).

Ito ay sa gitna ng isyung ‘pag-recycle’ ng mga dismissed cabinet officials.

Kinumpirma ni Aguirre ang kanyang nominasyon sa SSS pero nilinaw na nangyari ito ilang buwan bago siya nagbitiw sa DOJ nitong Abril.


Handa namang tanggapin ni Aguirre ang posisyon.

Ani Aguirre, wala siyang nakikitang mali sa reappointment sa ibang posisyon ng mga cabinet members na nagbitiw o sinibak.

Facebook Comments