HINOLDAP | Restaurant sa Quezon City, pinasok ng mga armadong lalaki

Manila, Philippines – Pinasok ng apat na lalaking sakay ng motorsiklo ang restaurant na Nomiya Izakaya sa Barangay Laging Handa, Quezon City.

Ayon sa isang waiter, alas-7:30 Biyernes ng gabi nang pumasok ang isang lalaki at nagtanong kung saan ang city hall, pero agad na sumunod sa loob ng restaurant ang dalawa pang kasamahan nito habang naiwan ang isa sa labas.

Hindi nagtanggal ng helmet ang tatlong lalaking pumasok ng restaurant.


Dito na aniya nagdeklara ng holdap at tinutukan ng baril ang mga customer saka mabilis na kinuha ang mga gamit ng mga ito at maging ang motorsiklo ng isa sa mga kustomer.

Hindi naman kinuha ng mga holdaper ang pera sa kaha ng restaurant.

Ayon kay Barangay Chairman Mari Rodriguez, walang security guard ang restaurant at kita rin mula sa labas ang mga customer na posibleng dahilan kaya itong ang naging target ng nga kawatan.

Facebook Comments