HINTI TULOY | Water interruption sa QC at ilang lungsod, hindi na muna itinuloy ngayong araw dahil sa banta ng pagbaha

Manila, Philippines – Dahil sa tuloy-tuloy na pag ulan at banta ng pagbaha, naudlot ang naka schedule sana na water interruption sa ilang bahagi ng QC at ilang lungsod dahil sa gagawing Water ang pipelaying and interconnection activities ng Manila water sa EDSA Southbound Service Road malapit sa kanto ng Shaw Boulevard.

Nauna nang inanunsyo ng Manila water na mararansan ang water interruption ngayong Lunes Lunes, ika-13 ng Agosto, 7:00p.m., hanggang ika-14 ng Agosto, 9:00 a.m.

Maglalabas na lamang ng panibagong advisory para sa nasabing activity schedule.


Humihingi ng paumanhin ang Manila water para sa anumang abala na naidulot ng naunang advisory nito.

Facebook Comments