Quezon City – Dinampot ng mga tanod ang isang lalaki matapos ireklamo ng panghihipo sa Barangay Commonwealth, Quezon City.
Nakilala ang suspek na si Sandrey Dulay, 22-anyos residente ng Barangay Payatas-A.
Ayon sa 19-anyos na babaeng biktima ihahatid niya ang boyfriend kasama ang kaibigan sa terminal ng tricycle at pagsapit sa Martin street ay biglang hinawakan ng suspek ang kanyang pwet.
Agad na hinabol ng mga tanod ang suspek kung saan nang masakote ito ay mariin itinatanggi ang akusasyon laban sa kanya.
Positibo naman siyang kinilala ng biktima maging ng mga kasama nito kaya’t pag dating sa barangay hall ay napaamin din ang suspek na pinatawad naman matapos humingi ng dispensa.
Facebook Comments