Sinisi ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang COVID-19 pandemic kaya lalong naging miserable ang estado ng edukasyon sa Pilipinas.
Sabi ni Castro, ito ang dahilan kaya hirap makahanap ng trabaho ang mga bagong nagsipagtapos na ayon sa pag-aaral ng Commission Human Rights ay walang mga sapat na “soft skills.”
Para kay Castro, lalo pang nagpatindi sa problema ng edukasyon sa Pilipinas ang K-12 na nagsaksak umano ng sangkatutak na mga asignatura sa kurikulum.
Dismayado si Castro na sa ilalim ng K-12 ay inalis ang mga asignaturang dapat na nalalaman ng mga bata tulad ng Araling Panlipunan at Filipino na magtuturo sana sa kanila ng kritikal na pag-iisip at tamang pakikitungo sa kapwa.
Bunsod nito ay iginiit ni ni Castro na i-overhaul na ang K-12 ng isang sistema ng pagtuturo na mas angkop para sa mga batang Pilipino kung saan totoong magagamit nila ang kanilang mga natututuhan at hindi lalaspag sa kanila at sa mga guro.