Hirap sa pagtulog? 7 Ways para makatulog nang maayos

IMAGE: LIPSTIQ.COM

Hindi ka ba makatulog kahit gusto mo nang matulog? Baka may sintomas ka na ng insomnia.

Ang insomnia ay isang kondisyon kung saan hindi ka makatulog kahit alas tres na ng umaga at gigising ka pa ng alas sais ng umaga. Ang kondisyon ng insomnia ay madalas gumising nang maaga kahit saglit palang nakakatulog, hirap sa pag-concentrate, at palaging inaantok tuwing umaga o hapon; madalas din itong maging sanhi ng depression, stress, o sakit.

Ito ang mga paraan na makakatulong sa pagpapatulog sa inyo tuwing gabi:


Lumayo sa mga gadgets

Since buong araw kang nakahawak sa phone, ang oras ng pagtulog ay dapat para sa pagpapahinga lang. Dapat binibitawan mo ang iyong phone, tablet o kung ano ano pang gadgets para hindi ka maabala ng work o schoolwork.

‘Wag mong tignan ang orasan mo

Proven by science na dapat hindi mo tinitignan ang orasan mo dahil mas lalo kang mas-stress kapag nakikita mo ang oras. Pwede mong itago muna phone mo o kaya ilayo mo sa kwarto ninyo ang orasan.

Iwasan matulog sa hapon

Kahit inaantok ka na tuwing hapon, pigilan mong matulog para ang antok mo buong hapon ay mapupunta sa gabi.

Iwasang uminom ng kape

Ang caffeine ay kilala bilang pampagising lalo na sa umaga kaya dapat hindi ito iniinom lalo na kapag malapit ka nang matulog. Mas lalong magigising ang diwa mo kapag uminom ka ng kape lalo na sa gabi dahil magigising ka lang sa kalagitnaan ng iyong tulog.

Siguraduhing tahimik ang paligid

Kapag matutulog na ay dapat sinisigurado mong wala nang gigising sa’yo tulad ng sobrang maagang alarm o kaya iwasan ang magpatugtog ng mga malalakas na tugtog kung hindi ka nakakatulog kapag sobrang tahimik.

Think happy thoughts

Isipin mo nalang nasa kalagitnaan ka ng bakasyon o kaya naman kasama mo minamahal mo para naman ma-comfort ka para hindi mo masyadong isipin ang stress at workload mo lalo na kung magpapahinga ka na.

Magpa-tingin sa doktor

Kung sa tingin mo ay hindi na normal ang sleeping pattern mo, mag-patingin ka na sa doctor upang malaman kung seryoso na ito lalo na kung ilang araw ka nang hindi nakaka-tulog nang maayos.

Facebook Comments