HIRED | 2000 aplikante, naempleo noong Independence Day – ayon sa DOLE

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 1,911 na aplikante ang nakakuha ng trabaho sa ginanap na job fair ng Department of Labor and Employment noong June 12 Independence Day.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, 16,648 na mga aplikante ang dumagsa sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job and Business Fair na isinagawa ng DOLE ika-120 taon ng pagkakadeklara ng kalayaan ng bansa.

Paliwanag ng kalihim bukod sa 1,911, mayroon pang 3,659 na malapit na makakuha ng employment at nag-aayos na lamang ng karagdagang dokumento at sasalang sa interview.


Dagdag pa ni Bello na karamihan sa agad nakakuha ng trabaho o hired-on-the-spot ay mga aplikante bilang service crew, operator ng production machine, office clerk, service representatives sa mga call center, kahera, enumerator, accounting staff/officer, production at factory worker, sales clerk/salesman at car washer.

Facebook Comments