HIRED | Ilang personalidad, itinalaga ng Pangulo sa pwesto sa gobyerno

Manila, Philippines — Uupo na bilang Board of Trustees ng Cultural Center of the Philippines (CCP) si dating beauty queen Margie Moran Floreindo.

Ito ay matapos siyang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinalitan niya ang posisyon ni Danilo Dolor hanggang June 30, 2018.

Matatandaan na ang dating beauty queen ay kinoronahang Miss Universe noong 1973 at dating asawa ni Davao del Norte Representative Antonio Floirendo na kilalang suporter ng Pangulo.


Itinalaga din sina retired Police Director Benjamin Magalong bilang Board of Directors ng PNP Oil Company, Maria Theresa Teves-Castaños Bilang Board Member ng Food Terminal, Inc., Eduardo Pelaez bilang Board Member ng Tourism Promotions Board, Elizaldy Co bilang Board Member of the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, Crisostomo Gotladera bilang Board Member ng Home Development Mutual Fund, Marco Magala Bautista bilang Tourism Undersecretary at Nelson Laluces bilang Deputy Director General Sa Intellectual Property Office.

Inire-appoint naman ng Pangulo sina Health Secretary Francisco Duque III at Agrarian Reform Secretary John Castriciones.

Facebook Comments