HIRED KILLER | Pumapatay ng mga pulitiko, naaresto sa Nueva Vizcaya

Nueva Vizcaya – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang suspek sa tangkang pagpatay sa alkalde ng Paracelis, Mt. Province Mayor Avelino Amanyen na si George Ginabay sa Purok Dos, Barangay Bugnay, Diadi, Nueva Vizcaya noong Sabado.

Ayon kay PNP-CIDG Chief Police Director Rouel Obusan, naaresto ito sa isang restaurant sa Nueva Vizcaya habang nakikipag-usap sa isang pulitiko.

Napag-alaman pa ng CIDG na nagpanggap na sundalo ang suspek bilang isang sergeant at isang LT. Col. Ruben Ginolbay na isang medal of valor ng Philippine Army.


Sinabi pa ni Obusan na mas ginagamit ng suspek sa kanyang mga contacts ang pagpapakilala bilang si Ginolbay at nagpakilala ring miyembro ng Scout Ranger.

Ito ay upang mas maging mataas ang kanyang presyo bilang hired killer.

Sinabi pa ni Obusan na bago maging biktima si Mayor Amanyen ay nauna nang naging biktima sina ABC President ng Bangbang Nueva Viscaya na si Barangay Captain Juancho Parolan at SPO3 Romeo Bueno kapwa napatay ng hired killer na si Ginabay kapalit ng maliit na halaga.

Sa ngayon, patong-patong na kaso ang kinakaharap ng suspek.

Facebook Comments