Isinusulong ng Department of Education (DepEd) ng hiring ng 10,000 guro kasabay ng pagpapatupad ng Learning Continuity Program (LCP) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Education Undersecretary for planning, human resource and organizational development and field operations Jesus Mateo, ang kanilang recruitment activities ay nagpapatuloy sa kabila ng work-from-home mode ng ahensya mula pa nitong Marso.
Aniya, ang application ay nagsimula na nitong Disyembre.
Ang job interviews para sa mga potensyal na guro ay isinasagawa online.
Pagtitiyak ni Mateo na ang pag-hire ng 10,000 guro ay suportado ng payroll budget na inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).
Bukod dito, magpapatuloy rin ang remote enrollment at dropbox methods para sa mga estudyante.
Sa huling datos ng DepEd, aabot na sa 16,876,175 students ang nakapag-enroll na sa papalapit na School Year 2020-2021.