Hirit na 15 pesos na minimum na pasahe sa jeep, pinalagan ng isang commuters group!

Pinalagan ng commuters group na National Center for Commuters Safety and Protection (NCCSP) ang hirit ng ilang transport group na i-akyat sa 15 pesos ang minimum fare sa pampasaherong jeep.

Sinabi ito ni NCCSP Chairperson Elvira Medina sa panayam ng RMN Manila kaugnay pa rin sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Medina, masakit sa bulsa ng isang manggagawang pilipino kung sakaling aprubahan ang hirit na 15 pesos na minimum fare sa jeep.


Panawagan nito, pag-aralan muna ang naturang petisyon at timbangin ang magiging epekto nito sa panig ng mga tsuper at ng mga commuters.

Sa kabilang banda, pabor si Medina na i-akyat ng hanggang 3 pesos o hanggang 12 pesos na minimum wage sa jeep sa unang apat na kilometro habang mananatili naman ang singil na P1 sa mga susunod na kilometro.

Facebook Comments