Hirit na dagdag pasahe pag-aaralang maigi ng LTFRB

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aaralang mabuti ng kanilang hanay ang hirit na dagdag-pasahe sa pampublikong transportasyon, partikular sa mga jeep.

Sa gitna pa rin ito nang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa kakulangan ng supply nito sa pandaigdigang merkado.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni LTFRB Executive Director Joel Bolano na hinihintay nila ang opisyal na petition paper o petisyon ng mga driver at operator kaugnay sa hiling na fare adjustment.


Ayon sa opisyal, pag-aaralan at babalansehin ng pamahalaan ang hirit na dagdag-pasahe at ang kakayahan ng mga commuters sa kasalukuyan, lalo’t humaharap pa sa COVID-19 pandemic ang bansa.

Facebook Comments