Friday, February 20, 2026

Hirit na dagdag-pasahe sa Jeep, malabong maaprubahan sa ngayon —Malacañang

Para sa Malacañang, hindi pa ito ang tamang panahon para magtaas ng pasahe sa jeep, kahit sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, patuloy pa ang pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Department of Transportation sa petisyon ng mga jeepney operator at driver para sa dagdag-pasahe.

Pero batay sa konsultasyon kay LTFRB Chair Atty. Vigor Mendoza II, kaya pa aniyang saluhin ng kasalukuyang ₱1 provisional increase ang fuel cost.

Hinihiling ng mga operator ang dagdag na ₱2 sa minimum fare, kaya mula sa ₱13 ay magiging ₱15 ang pamasahe sa traditional jeep, at mula sa ₱15 magiging ₱17 naman sa modern jeep.

Gayunpaman, tiniyak ng Palasyo na kahit hindi pa aprubado ang dagdag-pasahe sa jeep, pinag-aaralan ang iba pang paraan para matulungan ang mga tsuper at operator.

Facebook Comments