Hirit na dagdag pasahe sa jeep, pag-aaralan muna —Palasyo

Pag-aaralan pa muna ng pamahalaan ang hiling ng ilang transport group na dagdag singil sa pamasahe.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na aralin muna ito dahil marami ang maaapektuhan.

Hindi lamang aniya ang Department of Transportation (DOTr) ang magdedesisyon dito kundi kokonsultahin din muna ang economic team.

Noong nakaraang linggo, naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport group na Pasang Masda para sa pisong provisional fare increase sa harap ng halos walang prenong taas presyo sa petrolyo.

Ipinauubaya naman ng Palasyo sa DOTr ang mga hakbang para maibsan ang pasanin ng mga PUV drivers at operators habang wala pang inaaprubahang taas pasahe.

Facebook Comments