Hirit na dagdag-pondo para sa COVID-19 response ng gobyerno, dapat ipaliwanag ng economic managers ng Pangulo

Pinagpapaliwanag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang mga economic managers kaugnay ng posibleng paghirit ni Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na pondo para sa COVID-19 reponse ng pamahalaan.

Ayon kay Lacson, ipinagtataka niya kung bakit kakapusin ang gobyerno gayung mayroon pa namang bilyun-bilyong unused funds mula sa 2019 national budget.

Aniya, nasa ₱1.3 pondo pa sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act ang hindi nagamit hanggang katapusan ng third quarter ng nasabing taon.


Kung tutuusin, pwede pa aniya itong gamitin dahil extended naman ang spending validity nito hanggang December 31, 2020.

Kabilang sa nais pagpaliwanagin ni Lacson ay ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF) at National Economic and Development Authority (NEDA).

Samantala, ayon kay Budget Sec. Wendel Avisado, aabot na sa ₱352.7 billion mula sa kabuuang ₱397-bilyong pondo para sa COVID-19 response ang nagamit na.

Matatandaang itinaas ng gobyerno sa ₱1.49-trillion ang funding requirement para matugunan ang krisis sa COVID-19.

Facebook Comments