Titignan ng Department of Trade and Industry ang apela na dagdagan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular na ang mga delata at noche buena products.
Ayon sa DTI, ilang manufacturers ng sardinas, gatas, sabon, kape, corned beef, at panimpla ang humihirit ng dagdag-presyo sa kanilang produkto.
Nabatid na hanggang 11 porsiyento ang gusto nilang itaas o maglalaro ng P0.25 centavos hanggang P1.25 kada piraso.
Sa noche buena products, manufacturers ng hamon pa lang ang humihirit ng dagdag na 1 hanggang 4 porsiyento o katumbas ng P7.00 hanggang P20.00 kada piraso.
Facebook Comments