Hirit na dagdag-singil ng Maynilad, pinaboran ng Korte; Dagdag singil, papalo sa higit sampung piso sa kada 10 cubic meters

Manila, Philippines – Nakaamba ang taas singil sa presyo ng tubig ng mga taga-west zone ng Greater Manila Area.

Ito ay matapos na pagbigyan ng regional trial court branch 93 sa Quezon City ang petisyon ng Maynilad para sa water rate adjustment na 13.41 percent.

Dahil dito, nasa P11.56 ang dagdag sa buwanang bayarin ng may konsumong 10 cubic meters at P43.76 per month sa may konsumong 20 cubic meters.


Taong 2014 ng tinutulan ng MWSS na ipatupad ang final award na inilabas sa arbitration sa pagitan ng Maynilad at MWSS.

Noong July lang ay inutusan ng international tribunal ang gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang Maynilad ng mahigit tatlong bilyong piso bilang revenue losses dahil sa unimplemented rate adjustments.

Facebook Comments