Nakabitin pa rin hanggang sa ngayon ang hiling ng mga jeepney driver na dagdagan ang pamasahe sa harap na rin ng serye ng pag-taas ng presyo ng gasolina.
Dahil dito, hindi pa dapat maningil ng sobrang pasahe ang mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators hangga’t wala pang pinal na desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kahapon, sinimulan na ang pagdinig sa petisyon ng transport groups para sa taas pasahe sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4.
Isinumite na ang hininging provisional increase na piso sa minimum fare para sa Public Utility Jeepneys (PUJ).
Kailangan pang magsumite ng karagdagang documentary requirements ang mga petitioner para naman sa hiling na P5-6 na taas pamasahe.
Muling itinakda ang susunod na pagdinig sa petisyon sa Marso 22.