Hirit na dayalogo ng health workers, mainam na pagbigyan ng Pangulo

Umaasa si Senate President Tito Sotto III na mapagbibigyan ang hirit ng Alliance of Health Worker na dayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para matalakay ang napakahirap na sitwasyon ngayon ng mga health worker sa gitna ng patuloy na lumolobong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pahayag ito ni Sotto makaraang sabihin ng healthcare workers na bagama’t ikinalulugod nila ang pagkilala sa kanila bilang mga bayani sa panahon ng pandemya ay kanilang giit na ang kailangan nila ay suporta at proteksyon mula sa gobyerno.


Sabi naman ni Senator Imee Marcos, dapat maka-abot sa pangulo ang hiling ng mga health worker.

Nakakasiguro si Marcos na didinggin ni Pangulong Duterte ang hiling ng mga health worker dahil kung hindi sila aalagaan ay paano na tayo kapag nagkasakit.

Facebook Comments