Hirit na imbestigasyon ng un sa mga kaso ng EJK, dapat sa Pilipinas gawin ayon sa PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang hirit na imbestigasyon ng iceland sa United Nations Human Rights Council sa mga kaso ng umano’y Extrajudicial Killing (EJK) sa Pilipinas.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col.Bernard Banac, handa ang PNP na sagutin ang mga ibabatong argumento laban sa kanila.

Pero giit ni Banac, mas mabuting dito na lang sa Pilipinas gawin ang imbestigasyon para makita ng mga banyaga kung ano talaga ang tunay na sitwasyon ng bansa sa gitna ng war on drugs ng administrasyon.


Nanindigan din ang PNP na alinsunod sa saligang batas ang lahat ng operasyong ginagawa nila.

Tiniyak din nito ang paggalang sa karapatang pantao at pagsunod sa Rule of Law.

Facebook Comments