Manila, Philippines – Suportado ni Senate President Tito Sotto III ang hirit na magsagawa ng joint investigation ang China at Pilipinas kaugnay sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa isang bangka na sinasakyan ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.
Tugon ito ni Sotto sa mungkahi ni Chinese Foreign Ministry Lu Kang na magkatuwang na siyasatin ng dalawang bansa ang insidente kung saan inabandona ang 22 mangingisdang Pinoy sa karagatan.
Pero ayon kay Sotto, dapat ay magkaroon muna ng magkahiwalay na malalimang imbestigasyon ang Pilipinas at China bago ang joint investigation.
Ayon kay Sotto, ang pagsisiyasat natin sa insidente ay maaring magkatuwang na gawin ng Department of Justice (DOJ), Department of Natural Resources (DENR) at ng Philippine Coast Guard (PCG).