Hirit na karagdagang rubber boats ni dating VP Leni Robredo sa Naga City, agad na ipadadala ni PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad na magpapadala ng tulong ang pamahalaan sa Bicol region na pinakaapektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon sa pangulo, kasama na rito ang hiling na dagdag na rubber boats ni dating Vice President Leni Robredo sa Naga City para masaklolohan ang mga na-trap dahil sa mataas na tubig-baha.

Handa rin aniyang dalhin ito ng pamahalaan sa mga lugar na nangangailangan, maging ang mga kagamitan nito na nasa Mindanao.


Sinabi ng pangulo, batay sa nakarating na report sa kanya ay halos kalahati ng Camarines Sur ay lubog sa baha.

Nanawagan naman ang pangulo sa iba pang lokal na pamahalaan na sabihin lamang kung ano ang mga kinakailangan pa nilang tulong upang kaagad maka-responde.

Facebook Comments