Hirit na legislative police, kinontra ng mga Senador

Manila, Philippines – Mariing kinontra ng mga senador ang hirit ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na paglikha ng Philippine Legislative Police.

Giit ni Senator Panfilo Lacson walang dahilan at tiyak na magiging malaki ang epekto nito sa budget ng gobyerno dahil napakaraming mambabatas na bibigyan ng police escort.

Para kay Lacson, sapat na ang pagkakaroon ng dalawang kapulungan ng sergeant at arms.


Maging si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ay wala ding nakikitang pangangailangan para bumuo ng legislative police pero bukas naman syang tingnan ang laman ng panukala ni Congressman Fariñas.

Para naman kay Senator Antonio Trillanes IV highly expensive ang hirit na security force para sa mga mambabatas maliban pa sa kaya naman na ng sergeant arms na sila ay protektahan.

Sabi naman ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto III, bahala ang mga kongresista kung gusto nila yan basta’t siguraduhin nila na hindi magiging abusado ang kanilang mga police security.

Ayon kay Sotto, marami syang napupuna na mga body guards ng mga politiko na kung makaasta ay parang palaging papatayin ang amo nila at grabe din makahawi ng mga sasakyan sa lansangan sa halip na magtiis sa masikip na daloy ng trapiko..

Facebook Comments