Hiniling ni Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) na ibasura ang hiling ng Light Rail Manila Corporations na magtaas ng pamasahe para sa Light Rail Transit o LRT- Line 1.
Giit ni Cendaña, magiging dagdag pahirap sa mga manggagawang sumasakay ng LRT ang fare increase.
Ipinunto ni Cendaña na sa pamasahe na lang mapupunta ang sweldo ng mga pangkaraniwang maggaggawa na inilalaan nilang pambili ng pagkain.
Dagdag pa ni Cendaña, kung gusto talagang itaas ang pamasahe ay dapat pahusayin muna ang serbisyo ng LRT tulad ng pagpapalawig sa oras ng operasyon nito at pagdagdag ng istasyon.
Facebook Comments